Unable to attend the Genuine Opposition's miting de avance last Friday at the Folk Arts Theater, Sonny Trillanes however was able to give his election message to the Filipino people. Speaking in Pilipino, Sonny had this to say to the people.
You may view tha actual footage here.
Magandang gabi sa inyong lahat.
Ako po ay nagpapasalamat at nagkaroon ako ng pagkakataong ipahayag sa inyo ang mensaheng ito. Ang darating na halalan ay isang napakahalagang bahagi ng ating kasaysayan. Dahil ito na po ang huling mapayapang paraan para matanggal natin ang mga tiwali sa gobyerno, at sa ganoon ay makausad na tayo tungo sa kapayapaan at kaunlaran. Alam ko po na hirap at pagod na kayo. Kung kaya't kailangan na nating magkaisa at manindigan laban sa mga nanggagahasa sa ating bayan. At alang-alang na rin sa ating kinabukasan. Huwag na nating palampasin ang pagkakataong ito. Mga kababayan, itakda natin ang Mayo 14, bilang araw ng pagbabago para sa ating bansa, at ang araw ng tagumpay sa sambayanang Pilipino.
Mabuhay kayong lahat.
You may view tha actual footage here.
0 comments:
Post a Comment