Ngayong araw ng Kalayaan, isang tanong ang aking ibabato sa inyo. Tunay nga ba tayong malaya? Ang kalayaan ang adhikain ng bawat tao saan mang bahagi ng mundo. Ilan daang taon na patuloy na nakikibaka ang Pilipino para sa kalayaang ating minimithi. Sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa sa pamumuno ni Gloria Arroyo, maraming uri ng kalayaan ang umusbong. Sa bawat salitang namumutawi sa kanyang mga labi, lalo kong nararamdaman ang kanyang uri ng kalayaan.
Aking susubuking itala dito ang bawat kalayaang ating tinatamasa sa ilalim ng rehimeng Arroyo. Ano ba ang mga kalayaang binibigay ni Gloria sa ating mga Pilipino? Kung ako ang tatanungin niyo ay marami. Ito ang ilan sa kanila:
Malaya akong magutom.
Malaya akong kotongan.
Malaya akong nakawan ng pamahalaan.
Malaya akong mamatay sa sakit dahil wala akong pambili ng gamot.
Malaya akong itigil ang pag-aaral dahil kailangan kong kumita.
Malaya akong buwisan ng walang makukuhang serbisyo sa pamahalaan.
Malaya akong maramdaman ang lahat ng uri ng paghihirap sa buhay
Malaya akong ma-salvage.
Malaya akong mabugbog habang ipinapahiwatig ang aking saloobin.
Malaya akong dakpin ng walang dahilan.
Malaya akong dukutin at mawala.
Malaya akong harapin ang kinabukasang pinalagim ni Gloria.
Malaya akong magtipid habang walang habas ang paggastos ni Gloria at mga kampon niya.
Malaya akong pakinggan ang propaganda ni Gloria.
Malaya akong tumabi upang padaain ang rumaragasang SUV ng mga pulitiko.
Malaya akong gumamit ng abaniko habang naka-aircon ang mga nasa gobyerno.
Malaya akong mamasyal sa Luneta habang panay ang pasyal ng mga pulitiko sa iabang bansa.
Tunay ngang ramdam ko ang kalayaan. Ang bawal ko lang maramdaman ay ang sarap ng buhay. Ikaw, ramdam mo rin ba ang kalayaang ipinagmamalaki ni Gloria?

0 comments:
Post a Comment